Barrio Alimasag



Plurk.com
LP: KADILIMAN
Ito ang isa sa madilim na corridor sa aking unibersidad.
Nasa ikatlong palapag ito malapet sa laboratoryo at sa kolehiyo ng nursing.
Madami nang kwento dito...at higit pa sa 2 sa mga kakilala ko ang nagkaroon na nang encounter sa mga nasa kabilang buhay.

Nagpasama ako sa isang matagal nang kaibigan na kahapon ko lang ulet nakita sa unibersidad. Masaya ko siyang nakasama at naka-kwentuhan. Kaya kahet na nine-nerbyos ako (dahil ako'y likas na matatakutin...sige na nga duwag ako) hindi ako mashadong kinabahan ng kunan ko ang litratong ito.

Sa lahat ng mga kapwa kong mga taga-LP...Happy Halloween sa inyong lahat!!!
LP: LUMA NA
Ito ang pamosong simbahan ng PAOAY sa Batac, Ilocos Norte. Isa ito sa pinaka-lumang simbahan sa ating bansa. Ito ay itinatag ng mga paring Agustino noong taong 1701. Noong taong 1993 naisama sha bilang isang UNESCO WORLD HERITAGE SITE.
Ang kanyang konstruksyon ay maituturing na pinaghalong "Baroque at Oriental".

Ang litratong ito ay kuha noong Hunyo 2005 noong unang beses akong bumisita sa Ilocos. Ang gamit ko pang camera noong kinunan ko ng litrato ang naturang simbahan ay ang aking lumang CANON EOS 88 na may lenteng 35-80mm. Ngayong panahon ng Digital Camera...masasabi kong Luma na talaga ang litratong ito (lalo na sa pamamaraan kung paano ito nakunan).

Simula 2005 malimit na akong bumisita sa Ilocos at sa tuwing bibisita kami sa Batac, Ilocos Norte hindi namin nakakalimutang dalawin ang simbahan ng PAOAY.

Nawa sa mga susunod kong pagbisita dito may sarili na akong DSLR.

Labels: