Ito ang isa sa madilim na corridor sa aking unibersidad. Nasa ikatlong palapag ito malapet sa laboratoryo at sa kolehiyo ng nursing. Madami nang kwento dito...at higit pa sa 2 sa mga kakilala ko ang nagkaroon na nang encounter sa mga nasa kabilang buhay.
Nagpasama ako sa isang matagal nang kaibigan na kahapon ko lang ulet nakita sa unibersidad. Masaya ko siyang nakasama at naka-kwentuhan. Kaya kahet na nine-nerbyos ako (dahil ako'y likas na matatakutin...sige na nga duwag ako) hindi ako mashadong kinabahan ng kunan ko ang litratong ito.
Sa lahat ng mga kapwa kong mga taga-LP...Happy Halloween sa inyong lahat!!! |
dilim nga... happy huwebes... :)
sang school yan? lahat yata ng unibersidad na matanda dito may mga istorya :D
mare naku...kilala ka na ng 'occupants' ng corridor na yan, madali ka na nilang mahahanaaaaappp!!!
(^0^)
Buti wala namang lumabas na kakaiba sa iyong kuha kundi nakakatakot na talaga yon!
Happy LP sa iyo at advanced happy halloween na din!
kakatakot naman dyan.
Happy LP!
hala! nananakot ka. happy halloween!
nakakapangilabot naman ang 'yong kwento. buti na nga lang walang lumitaw na apparition 'no?
Happy halloween...wooohhh
Nakakatakot nga ang larawang kuha mo.Salamat sa pagsilip sa mumu sa site ko.
takot ako sa mga ganyan. di ko pumunta ng mag-isa.
kakatakot ng view..dumadaan lang ho..
:)
san unibersidad yan? ok na yan ganyan kesa sa mga cadaver na lumulutang sa baha hehe. Happy LP!
kakatakot dyan ... indi mo ko mapapapunta dyan ng mag-isa hehe
oh my, ang daming ghost stories sa mga schools diba? nakakatakot lalo na pag medyo madilim na tulad nyan ang area na pupuntahan mo.
salamat sa pagdalaw!