LP: KADILIMAN
LP: LUMA NA
![]() Ang kanyang konstruksyon ay maituturing na pinaghalong "Baroque at Oriental". Ang litratong ito ay kuha noong Hunyo 2005 noong unang beses akong bumisita sa Ilocos. Ang gamit ko pang camera noong kinunan ko ng litrato ang naturang simbahan ay ang aking lumang CANON EOS 88 na may lenteng 35-80mm. Ngayong panahon ng Digital Camera...masasabi kong Luma na talaga ang litratong ito (lalo na sa pamamaraan kung paano ito nakunan). Simula 2005 malimit na akong bumisita sa Ilocos at sa tuwing bibisita kami sa Batac, Ilocos Norte hindi namin nakakalimutang dalawin ang simbahan ng PAOAY. Nawa sa mga susunod kong pagbisita dito may sarili na akong DSLR. Labels: lp |