Magandang araw sa inyong lahat. Ako si Eloise at nais kong maging bahagi ng Litratong Pinoy. Ako ay isang pianista at isa ring guro ng musika. Ito ang aking anim na taong gulang estudyente sa piano, si Kyle. Isa sa pinaka-ayaw ko makita ay ang umiiyak ang aking mga estudyante.
Kasalukuyan akong nagtuturo ng leksiyon sa piano nang mapansin kong nagdurugo ang ilong ni Kyle. Bagama't malakas ang aircon sa loob ng aming faculty room (kung saan kami nagle-leksyon) nanggaling sya sa isang oras na patakbo-takbo sa paligid ng aming conserbatoryo...ayun!!! Nagdugo ang ilong. Inihanda ko na ang aking sarili sa napipinto nyang pag-atungal...madami-dami din kasi ang dugong umaagos mula sa kanyang ilong. Laking gulat ko ng sya ay tumawa at nagpasama sa banyo at nagpatulong na hugasan ang kanyang ilong. Ginamit naming pantuyo ang lamping nakasapin sa kanyang likod. Patuloy ko siyang inaalo upang maiwasan ang kanyang pag-iyak. Kaya dali-dali kong kinuha ang aking cellphone upang kunan sha ng litrato. Nang kukunan ko na sha ng litrato, bigla nyang tinaas ang bimpo sa kanyang ilong sabay sabing "Cher...my nose is red..I don't want them to see...let's pretend I'm seeing the dentist".Labels: ayaw ko, lp |
uy!!! welkam back to the blogging world!!! hehehe...
talagang ayaw nya ba papicture? hehe...
Maám Eloise, welkam back sa blagging at Welkam sa LP, naks...si rye-ann na lang, kompleto na tayo!
uy batibot na bata si Kyle, dapper! (atapang!)
Hugs and kisses from Thailand!!
salamat salamat...lino and thess for visiting my blog.
nagbabago pa nang layout at theme si rye-ann...
makakasama ren sha sa aten soon!!!