Barrio Alimasag



Plurk.com
LP:#23 TANSO (copper)

Noong nakaraang linggo kami nang aking mga kaibigang musiko ay nagpunta sa Ilocos Sur upang kumanta at tugtugan ang Mag-asawang Bening at Lagring Rodriguez para sa kanilang ika-50 anibersaryo bilang mag-asawa. Umalis kami ng Martes (2setyembre 2008)ng gabi at dumating sa Ilocos sur madaling araw ng Miyerkules. Hindi na kami natulog at dali-daling nagpunta sa dalampasigan ng South China Sea sa San Esteban Ilocos Sur, kung san kami kumuha ng mga litrato. Hinahabol namin ang bukang liwayway...at heto ang kuha ko.

Sa pagtanaw ng aking kaibigan sa haring araw...di ko mapigilang mamangha sa ganda nito...at sa kanyang pagsilip ang liwanag nya'y kulay tanso.


Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home