LP: LUMA NA
Ito ang pamosong simbahan ng PAOAY sa Batac, Ilocos Norte. Isa ito sa pinaka-lumang simbahan sa ating bansa. Ito ay itinatag ng mga paring Agustino noong taong 1701. Noong taong 1993 naisama sha bilang isang UNESCO WORLD HERITAGE SITE. Ang kanyang konstruksyon ay maituturing na pinaghalong "Baroque at Oriental". Ang litratong ito ay kuha noong Hunyo 2005 noong unang beses akong bumisita sa Ilocos. Ang gamit ko pang camera noong kinunan ko ng litrato ang naturang simbahan ay ang aking lumang CANON EOS 88 na may lenteng 35-80mm. Ngayong panahon ng Digital Camera...masasabi kong Luma na talaga ang litratong ito (lalo na sa pamamaraan kung paano ito nakunan). Simula 2005 malimit na akong bumisita sa Ilocos at sa tuwing bibisita kami sa Batac, Ilocos Norte hindi namin nakakalimutang dalawin ang simbahan ng PAOAY. Nawa sa mga susunod kong pagbisita dito may sarili na akong DSLR. Labels: lp |
posted by Eloise at 23:56
ng ganda! dko pa napuntahan ang lugar na ito...salamat maski sa larawan ay nasilayan ko ito...uy lalim!:)
Ganda nga dito - napaka-makasaysayan!
Salamat sa pagbabahagi!
sayang di ko pa napuntahan ito, si bunsong kapatid naka punta na :)
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
luma na pero maganda parin...thanks for sharing..
gusto ko ring pumunta jan...
kitang-kita talaga ang impluwensya ng mga kastila sa ganda ng lumang simbahan na yan...
Taga Batac ang father ko,kababayan ni Apo Ferdie,pero never pa ako nakarating ng Ilocos.
http://www.fickleminded.net/2008/10/08/lp-luma-old/
sana marating din namin ang ilocos. daming magagandang tanawin dun.
Ay hindi ko pa ito napupuntahan, pero sana pagbisita ko, may dslr na rin ako. Haaaayy... sana tumaya na ako sa lotto para magka-chance tumama. Hehehehe... Inggit nga ako sa kapatid ko, nakita na niya itong lugar na ito.
Ang aking lahok ay naka-post na dito. Dumalaw na rin ako para sa kapatid ko, ang kanyang lahok ay naka-post dito. Sana makadaan ka. Happy LP!
*** ShutterHappyJenn ***
makasaysayan!!! :) di pa ako nakakapunta dyan. maligayang lp sa iyo!
pareho tayo ng lahok, isa sa mga paborito kong simbahan sa Pinas:)
napaka ganda naman. Sana ma dalaw ko rin yan...
Happy LP
napakaganda... nakapunta ako dyan 20 taon na ang nakararaan... mabisita nga uli...
I saw this church before... so beautiful!
...wow ang san agustin church... pumunta kami dito kasama ang aking mga kaklase last aug. 1... sobrang ganda talaga nito... pag nandito ka, parang gusto munang magpakasal.. heheh
nakapunta na din ako dyan, talagang napakaganda
ang gaganda talaga ng mga sinaunang simbahan natin...iba talaga ang dating. sana'y makapamasyal din kami sa lugar na iyan.
salamat sa pagbisita...eto pa ang aking lahok: http://livinginau.com/2008/10/old-parliament-house/
ang ganda ng simbahang ito; at di ba pati ang iyong ginamit na kamera ay luma din? ang galing!
May litrato rin ako nito. Nakakaengganyo talaga s'yang kunan ng litrato for souvenir. :)
nakapunta na ako jan!! kaso ang tagal na nun! sana makabalik ulet ako! happy LP!
Dito kami nagsimba nung pumunta kami sa Ilocos. Kakaiba din ang misa nila.
Mahanda ang pagkakakuha. Magandang Hwebes!
proud ako to say na napuntahan ko na ang paoay church :) totoo kaya ang chismis na yung crack sa aisle na dulot ng lindol ay sinundan lamang ang yapak ng anak ni marcos nung kinasal siya diyan? wala lang! :D
happy lp! :)
Lumang Barko sa MyMemes
Lumang Pantawag sa MyParty
matagal ko nang pangarap makapunta ng ilocos! ang layo lang talaga kasi! :D at sisiguraduhin kong mabisita namina ang simbahang iyan. gustung-gusto ko kasing makabisita ng mga lumang simbahan. :D
napuntahan ko na yan nung bata pa ako... napakaganda talaga ng simbahan na yan.
eto ang aking lahok. salamat.
Pareho tayong simbahan ang entry :)
oldest church.. nice!
mare ang ganda ng kuha mo dito!! D mo na kailangan DSLR ha!
ang ganda po ng naturang larawan na inyong ibinahagi. sa pamamagitan po ninyo ay nakita ko ang lugar na iyan. sana ay makapagbahagi pa kayo ng larawan ng mga lugar na hindi ko man makita ng personal ay masaksasihan ko ang natural na ganda.
bumibisita po! saan ang bago nga kaya entry natin? kamusta ka-LP?
love it. ang ganda. sana makarating ako someday.